Bakit at Paano Kami Nagpapaligo ng Kambing

Sinong nagsabing hindi pwedeng maligo ang mga kambing? Once a month kaming nagpapaligo ng kambing sa Alpha Agventure. If pwede naman palang paliguan ang kambing, ano ang dapat ipanligo dito? May mga factor bang dapat i-consider bago magpaligo o pwedeng magpaligo kahit kailan mo gusto? Lahat ng tanong na iyan, at marami pang iba, ay masasagot sa video na ‘to. Nood na!

Details

Ang Aming Ginagawa Bago Pakawalan sa Range ang Aming mga Rhode Island Red

Tama na pagalain ang mga Rhode Island Red sa lupa or range for the first time on their 8th week (2nd month). Pero dinidiretso nyo bang pinapakawalan ang mga Rhode Island Red ninyo mula sa cage/brooder papuntang range? Sa Alpha Agventure, may warm-up procedure muna kami para matulungan namin ang mga Rhode Island Red namin to acclimatize themselves sa lupa. Sa video na ‘to, ipapakita namin kung ano yung acclimatization procedure namin para sa mga Rhode Island Red.

Details

10 Newly Hatched Guinea Fowl Bengala Keets + Raising Tips

Napisa na ang third batch ng aming mga guinea fowl or bengala birds! Yes, 10 out of 12 eggs ang napisa (83.33% hatchability rate) gamit ang artificial incubator. Sa video na ito, isi-share namin sa inyo ang ilang kaalaman para sa mga nagsisimula pa lang mag-alaga ng guinea fowl or bengala. Isi-share namin sa inyo ang aming observations sa resulta ng paggamit ng artificial at natural incubator, ang feed na ipinapakain namin sa mga bengala mula sa pagiging sisiw hanggang sa maging ready-to-lay breeder na sila at marami pang iba.

Details

Bakit Kailangang Linisin ang mga Itlog ng Rhode Island Red Bago I-Incubate at Paano

Teka, huwag mong sabihing ini-incubate mo ang mga itlog ng Rhode Island Red mo kahit nanlilimahid sila sa dumi, kaibigan. May possible consequence ang nag-i-incubate ng itlog na marumi ito. Please watch this video dahil babanggitin namin kung bakit mainam na linisin muna ang mga itlog bago sila i-incubate whether sa artificial or natural incubator. Also, ituturo rin naman kung paano linisin ang itlog ng mga Rhode Island Red mo.

Details

Ang Aming Mga Rhode Island Red Parent Stocks at Tips Bago Mag-alaga ng Rhode Island Red

Nagsimula lang kami sa 10 parent stocks na Rhode Island Red noong February 2021. Pero bago kami bumili ng Rhode Island Red ay nag-aral muna kami ng matindi tungkol sa free-range chicken farming specifically for Rhode Island Reds. Ayaw naming mailagay sa alanganin ang welfare ng mga manok kaya’t inaral muna namin ang tungkol sa kanila. Sa video na ito, hindi nyo lang makikita ang quality ng aming parent stocks kundi matututunan ninyo rin ang ilang tips namin para sa inyo na nagbabalak mag-alaga ng Rhode Island Red din.

Details

Ano ang Molasses at Paano Ito Ihalo sa Inumin ng mga Rhode Island Red?

Nauuso na naman ang heat stroke sa mga Rhode Island Red at iba pang uri ng manok dahil sa init ng panahon. Sa Alpha Agventure, hindi kami gumagamit ng commercial electrolytes but organic pure blackstrap molasses. Hanggat maaari ay nililimitahan namin ang pagbibigay ng synthetic na material sa pagkain o inumin ng aming mga Rhode Island Red. Sa video na ito, ituturo namin sa inyo kung ano ang pure blackstrap molasses at ano ang ratio ng tubig at molasses kapag naghahalo nito.

Details