Bakit Mukhang Dark Mahogany Ang Aming Mga Rhode Island Red Kahit Hindi Sila Dark Mahogany?

Ilan na rin ang nag-akalang dark mahogany ang aming mga purebred Rhode Island Red. Nasa quality ng overall farm management lang iyan. Kahit pa naman ang isang taong hindi kagandahan o kagwapuhan, kapag pinalaki mo sa karangyaan ay talaga namang aayos ang hitsura niyan. Ganoon din sa mga livestock animals. Anyway, panoorin mo ang video na ‘to para malaman mo kung ano ang isa sa mga elemento ng aming farm management ang nagpapaganda sa hitsura ng aming mga Rhode Island Red.

Details

Organikong Paraan Para Maiwasan ang Hanep at Mabahong Amoy ng Dumi ng Hayop sa Ipa

Pwede namang hindi synthetic na gamot ang solution para maiwasan ang mga hanep o chicken lice at masangsang na amoy ng dumi ng ating mga hayop sa ipa o rice hull na siyang bedding ng ating mga alagang hayop. May alternatibong biopesticide at organikong solusyon diyan! Kung ano ang mga organic ingredients na gagamitin at paano ito ihahalo sa ipa o rice hull, malalaman mo iyan kapag pinanood mo ang video.

Details