Paano Ihanda ang mga Native Chicken Bago Sila Pakawalan sa Free Range Area

Paano Ihanda ang mga Native Chicken Bago Sila Pakawalan sa Free Range Area

Porke ba Philippine native chicken ay pwede nang pagalain sa free-range area ng walang paghahanda o warm-up man lang sa kanila? Maaaring wala ngang mangyaring masama sa mga sisiw na native chicken if pakakawalan sila kaagad sa ranging area ng walang acclimatization procedure na ginagawa pero napansin naming mas maliliksi ang mga native chickens naming dumaan sa acclimatization process kaysa sa mga hindi nagdaan sa prosesong ito. Paanorin ang video na ‘to for more information.

Tips Para Sure na Tama ang Klase at Timbang ng Feeds na Ipinapakin ng Caretaker sa mga Hayop

Tips Para Sure na Tama ang Klase at Timbang ng Feeds na Ipinapakin ng Caretaker sa mga Hayop

Gusto mo bang malaman kung anong ginagawa namin para masigurong tama ang klase at timbang ng feeds na ipinapakain ng aming caretaker sa mga livestock animals namin? Natural lang na interesado kang malaman ang sagot diyan dahil gusto mong lumaking nasa timbang ayon sa edad ang mga alaga mo. Isa pa, responsibilidad ng may-ari ng backyard raiser na i-guide ang caretaker para sa wastong feed management sa farm. Kaya ano pang hinihintay mo? Panoorin mo na ang video na ‘to!

Madali at Simpleng Paggawa ng Syringe Stopper

Madali at Simpleng Paggawa ng Syringe Stopper

May stopper ba ang syringe o hiringgilyang gamit mo? Kung wala, paano kung sumagad sa buto ng kambing, tupa, o iba mong alaga yan kapag sumipa ito kontra sa direksyon ng karayom nang di mo inaasahan? Iwasan mong mangyari yun, ka-Alpha Agventure. Panoorin mo ang video na ‘to para maturuan ka namin kung paano ang madali at simpleng paggawa ng syringe stopper.

Klase at Timbang ng Pagkain ng Rhode Island Red Mula Day 1 Hanggang Sa Maging Layer Ito

Klase at Timbang ng Pagkain ng Rhode Island Red Mula Day 1 Hanggang Sa Maging Layer Ito

Maybe narinig o nabasa mo na sa social media ang iba’t ibang klase ng feeds kagaya ng chick booster, chick starter, grower pellets, at layer mash. Ang problema ay hindi mo alam kung alin sa mga ito ang ipapakain mo sa Rhode Island Red mo kumporme sa edad nila. Idagdag mo pa sa problema mo ang hindi mo alam kung gaano karami ang dapat mong ipakain kumporme ulit sa edad nila. Huwag mag-alala dahil kami na ang bahala sa mga sagot sa problema mong iyan. Watch the video.